^

Bansa

Immigration men nagprotesta sa paghinto ng OT pay

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagsuot ng dilaw na arm band ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport bilang protesta laban sa posibleng pagsuspinde sa kanilang overtime pay na anila’y iligal.

Sinabi ni Senior immigration officer oup Lawyer Floro Balato Jr., tagapagsalita ng grupo na nagsusuot sila ng dilaw na arm band para tutulan ang kautusan nina Finance Sec. Cesar Purisima at DOTC Sec. Mar Roxas na nagpapahinto sa mga international airlines sa pagbabayad ng overtime sa Customs, Immigration and Quarantine (CIQ).

Sinasabi ng gobyerno na ang pagpapasagot sa mga airline companies sa overtime ng mga empleyado ng CIQ ay sagka sa industriya ng turismo kaya inirekomenda na ang gobyerno ang dapat magbayad ng OT ng mga ito.

Ipinaliwanag ni Balato na ang pagkolekta ng overtime pay ay pinapayagan sa ilalim ng batas at batay ito sa Section 7-A o CA 613 o Philippine Immigration Act.

Nabatid na mula pa noong taong 1950 hanggang sa kasalukuyan, nakagawian nang pagbayarin ang mga airline at shipping companies ng overtime pay ng mga tauhan ng Immigration.

Dahil iniiskedyul ng airline company ang kanilang mga biyahe, naging regular nang tungkulin ng mga tauhan ng Immigration na hintayin ang bawat “arrival” na nakaiskedyul nang lagpas sa kanilang karaniwang walong oras na pagtatrabaho.

BALATO

BUREAU OF IMMIGRATION

CESAR PURISIMA

FINANCE SEC

IMMIGRATION AND QUARANTINE

LAWYER FLORO BALATO JR.

MAR ROXAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE IMMIGRATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with