^

Bansa

'Solvent boys' dumarami

Nina Gemma Garcia/Butch Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng isang mambabatas sa Kamara ang dumaraming bilang ng “solvent boys” na sangkot sa mga krimen sa pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa House Resolution 2535 na inihain ni Las Piñas Rep. Mark Villar, hinikayat nito ang House Committee on Public Order and Security na ipatawag ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang gumawa ng hakbang para matugunan ang nasabing isyu.

Giit ni Villar dapat na kumilos na ang gobyerno upang masolusyunan ang lumalalang kaso ng drug addiction at upang maregulate na rin ang paggamit ng mga addictive substance.

Hinikayat din ng mam­babatas ang Kongreso na magpasa ng batas na magpaparusa sa mga nagbebenta ng illegal na solvent at iba pang katulad nito sa mga kabataan.

Bukod sa solvent kabilang umano sa mga dangerous substances ang rugby dahil sa sandaling masinghot ito ay direkta itong dadaloy sa dugo patungo sa utak na siyang nakakasira naman sa nervous system ng isang tao.

Ang pagdami umano ng bilang ng solvent boys ay nagreresulta sa mataas na bilang ng krimen kung saan isang halimbawa umano dito ang “Hamog boys” sa kahabaan ng Edsa Guadalupe at iba pang panguna­hing lansangan sa Metro Manila na nag-aabang ng mga motorista na kanilang mabibiktima.

BUKOD

EDSA GUADALUPE

GIIT

HAMOG

HOUSE COMMITTEE

LAS PI

MARK VILLAR

METRO MANILA

PUBLIC ORDER AND SECURITY

SA HOUSE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with