Opening ng klase sa Setyembre tinalakay

MANILA, Philippines - Tinalakay na sa Senado ang panukala na naglalayong ilipat ang pagbubukas ng klase sa Setyembre matapos maranasan ng bansa ang sunod-sunod na kalamidad nitong mga nagdaang buwan.

Nagtungo kahapon sa Senado si DepEd Sec. Armin Luistro at Hilario Fla­viana, deputy admi­nistrator for research and development ng PAGASA para sa pagdinig na budget ng kani-kanilang ahensiya para sa susunod na taon.

Muling ipinarating ni Drilon sa DepEd ang apela nito na seryosong ikonsidera ang pagbabago ng school calendar para maiwasan ang pagpapaliban ng klase tuwing masama ang panahon.

Ayon kay Drilon, nakakaalarma na ang napakaraming suspensiyon ng klase sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa bagyong Gener at sa ha­nging Habagat.

Sinabi ni Luistro na nagsagawa na sila ng kon­sultas­yon sa mga maapektuhang sektor pero marami ang mga tumututol kabilang na ’yong mga may-anak na tumutulong sa bukid tuwing tag-init o summer.

Marami rin umanong mga cultural activities tuwing bakasyon katulad ng holy week, Flores de Mayo, family reunions at mga fiesta.

Sinabi naman ni Flavia na nakakaranas ng dalawang klaseng panahon ang iba’t bang rehiyon sa bansa.

Show comments