Transaksiyon sa PhilHealth puwede na sa mga mall

MANILA, Philippines - Maaari na ring magtungo ang publiko upang makipag-transaksiyon kaugnay sa kanilang Phi­lippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito’y matapos na ma­kipag-partner ang PhilHealth sa dalawang pi­nakamalaking chain ng malls sa bansa na kinabi­bilangan ng Robinsons Malls at SM Malls, at nagbukas ng mga PhilHealth Express.

Anang PhilHealth, layunin nang pakikipagtuwang nila sa naturang mga malls ay upang matiyak na magiging mas kumbinyente sa publiko ang kanilang health services.

Kabilang sa mga serbisyo na maaring sa malls na lamang isagawa ay ang pagsusumite ng member amendment forms, pagkuha ng application forms para sa bagong members, at pagbabayad ng premium payments.

Magkakaloob rin umano sila ng PhilHealth Identification Number (PIN) card at Member Data Record (MDR).

Tiniyak naman ng PhilHealth na magbubukas pa sila ng mas marami pang PhilHealth Express sa mga susunod na araw.

Show comments