^

Bansa

Level ng tubig sa La Mesa bumaba na

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumaba na sa 79.91 meters ang level ng tubig sa La Mesa dam at hindi na ito umaapaw kahapon.

Ayon kay Danny Baui, unit manager ng La Mesa headwork ng Manila Water, alas-9 kamakalawa ng gabi nang tumigil ang pag-apaw ng tubig sa naturang dam matapos bumalik sa maximum capacity nito na 80.15 meters ang tubig dito.

Ito ay sa kabila na nananatiling nasa ilalim ng red alert status ang La mesa dam.

Kapag nasa red alert anya ang naturang dam, hindi pa maaaring paba­likin sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng nakatira malapit dito na nagsilikas sa evacuation center laluna yaong mga nakatira malapit sa Tullahan river dahil may banta pa rin ng posibleng flashfloods sa lugar.

Anya, may mga pag-uulan pa na nararanasan sa bahagi ng Bulacan at Rizal kayat may banta pa ng panganib sa posibleng flashfloods sa lugar.

Nilinaw ni Baui na aalisin lamang ang red alert status sa La Mesa dam kapag tuluyang bumaba ang level ng tubig dito sa 79.5  meters.

ANYA

AYON

BAUI

BULACAN

BUMABA

DANNY BAUI

KAPAG

LA MESA

MANILA WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with