P172 milyon nasalanta
MANILA, Philippines - Umaabot sa P172.77 milyong halaga ang winasak ng nagdaang bagyong Gener at ng habagat sa mga pananim.
Ayon kay Joel Rudinas, undersecretary for operations ng Department of Agriculture (DA), ang palayan ang pinaka naapektuhan ng naturang mga kalamidad na may P152.13 milyon na may P131.49 ektaryang pataniman ng palay, P7.74 milyon sa maisan, P10.62 milyon sa mga high value crops tulad ng mga gulay at P2.28 milyon sa pangisdaan.
Ang mga lugar na apektado ay ang 20 lalawigan sa Luzon at Visayas partikular na ang Regions I, II, III, VI at Cordillera Administrative region.
Higit na nasalanta ang palayan sa Cagayan, Pampanga, Bulacan, Bataan habang nasalanta ang taniman ng mais sa Cagayan at Kalinga gayundin ang Benguet, samantala ang Pangasinan at Cagayan ang higit na napinsala ang mga palaisdaan.
- Latest
- Trending