Klase, opisina sinuspinde

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ni Pangulong Aquino ang klase sa lahat ng level gayundin ang pagsuspinde sa pasok sa mga go­vernment offices pati sa mga pribado kabilang ang BPO’s kasama na ang mga call center sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa ma­tinding pagbaha at pag-ulan.

Nagpalabas ng Me­morandum Circular 33 si Pangulong Aquino sa pamamagitan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kahapon ng madaling araw na nagsususpinde sa pasok sa government offices at klase sa lahat ng level sa NCR, Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

“However agencies whose functions involve delivery of basic services, preparedness/response to disasters and calamities and or the performance of other vital public services shall continue with their operation.,” nakasaad pa sa MC 33.

Nilubog ng baha ang Metro Manila at karatig lalawigan kahit wala na ang bagyo kundi dahil sa matinding pag-ulan na nagresulta sa malawakang pagbaha. 

Inianunsiyo na nina Caloocan City Mayor Recom Echiverri at Marikina Vice Mayor Jose Cadiz ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas nga­yong Miyerkules.

Wala ring pasok nga­­yon sa lahat ng antas sa Mandaluyong, Las Piñas, Muntinlupa, P­arañaque, Manila, Valenzuela, Ma­kati, Taguig, San Juan, Navotas.

Ito’y kasunod na rin ng pahayag ng PAGASA na magpapatuloy ang malakas na buhos ng ulan hanggang nga­yong araw, bukod pa sa inaasahan nang ang lahat ng kanilang mga pampublikong paaralan ay gagamitin bilang evacuation center.

Nitong Martes ay suspendido na rin ang pasok sa lahat ng paaralan sa Metro Manila.

Show comments