^

Bansa

Malacañang pumalag: 7 Military camp inatake ng MILF

Nina Rudy Andal at Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pumalag ang Malacañang sa pag-atake ng mga rebeldeng grupo o ‘breakaway group’ na Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ni Commander Ameril Umbra Kato ang pitong military detachment sa Maguindanao, kahapon ng umaga.

Kinondena ng Palasyo ang ginawang paghahasik ng kaguluhan ng tinatayang may 300 mga bandido kung saan ay pinagpuputol nila ang kuryente sa mga poste, kaya madilim at walang ‘power supply’ ngayon sa 11 bayan sa Maguindanao.

Sa pagdepensa naman ng military ay dalawa sa mga bandido ang nasawi habang anim ang nasu­gatan, kabilang ang apat na CAFGU, isang sundalo at isang sibilyan.

Ang mga nasugatang CAFGU ay sina Armand Singson, Erickson Prenal, Jigg Oracoy at Crisito Neri. Ang sundalo naman ay si Corporal Rommel Mantos ng Army’s 603rd Infantry Brigade habang ang sibilyan ay si Mary Jane Singson na pawang ginagamot ngayon sa Kabacan Medical Specialist Hospital.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Ging Deles, ang nasabing pag-atake sa panahon ng Ramadan ay pagpapakita ng hindi paggalang sa ‘holy month’ ng mga Muslim at pagbalewala sa kapakanan ng mga inosenteng sibilyan na naipit sa kaguluhan.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang ‘hot pursuit operation’ ng militar laban sa grupo ni Umbra Kato.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pinapaberipika na nila sa AFP ang napaulat na pangho-hostage ng mga rebelde sa libong sibilyan sa Maguindanao.

Nabatid na dakong alas-11:30 ng gabi nang magsimulang maglunsad ng pag-atake ang grupo ni Kato na nanggaling sa kanilang kuta sa Camp Omar sa Brgy. Cabeni, Datu Saudi Ampatuan sa nasabing bayan.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Prudencio Asto, ang pitong kampo ng militar ang pinaulanan ng bala ng grupo ni Kato ay ang 1st Mechanized Brigade at 1st Mechanized Infantry Battalion sa Shariff Aguak, 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Brgy Cabengi, Datu Saudi Ampatuan at ilan pang military detachment sa mga bayan ng Datu Piang, Datu Unsay, Guindulungan, Shariff Aguak, Maguindanao gayundin sa Midsayap at Pikit; North Cotabato.

vuukle comment

ARMAND SINGSON

BRGY CABENGI

CAMP OMAR

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

CORPORAL ROMMEL MANTOS

CRISITO NERI

DATU SAUDI AMPATUAN

MAGUINDANAO

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with