^

Bansa

Lanuza sasagipin ng Emir at Saudi King!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mismong ang Saudi government na ang tutulong sa pagkakalap ng blood money para sa isang OFW na nakatakdang bitayin o pugutan ng ulo sa Saudi Arabia.

Nabatid kay Ambassador Ezzedin Tago ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na ang pagbubukas ng bank account ang kauna-unahang pagpapatupad ng bagong regulasyon o rule ng Saudi government upang tumanggap at maglikom ng mga donasyon para sa blood money ng isang bibitayin at ang kaso ng OFW na si Rodelio “Dondon” Lanuza ang unang mag-a-adopt nito.

Isa sa mga tutulong sa blood money ang Emir ng Eastern Region na si HRH Prince Mohammad bin Fahad, subalit hindi pa nito alam ang eksaktong halaga pero limitado umano ito ng hanggang 300,000 Saudi riyals lamang. Nakatanggap din ng maikling mensahe si Tago na inianunsyo umano ni King Abdullah na handa siyang tumulong sa blood money kaya inatasan nito si Dondon na sumulat sa Hari na ie-endorso ng SRC.

Klinaro ni Sheik na hindi ang Emir ang magbabayad ng balanse ng blood money, kundi ang Emir ang magbibigay ng awtorisasyon sa mga charitable institutions sa Saudi upang mag-contribute sa balanse na 3-milyon Saudi riyals (P35 milyon) blood money na hinihingi ng pamilya ng napatay ni Lanuza.

AMBASSADOR EZZEDIN TAGO

BLOOD

DONDON

EASTERN REGION

EMBAHADA

FAHAD

KING ABDULLAH

LANUZA

PRINCE MOHAMMAD

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with