^

Bansa

Desisyon ng QC court sa telcos hiling ni de Venecia na ikonsidera

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling ng negos­yanteng si Joey de Venecia III sa Quezon City Regional Trial Court na ikonsidera ang nauna nitong desisyon na nagbabasura sa kanyang kahilingan na magpalabas ng temporary restraining order para ihinto ng tatlong telecommunications companies ang P1 singil sa bawat text message.

Ito ay makaraang magpalabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagbabawas ng hanggang P0.80 singil sa bawat text message.

Sa 5-pahinang desisyon ni Judge Ralph Lee ng Branch 83 ng QCRTC, hindi kayang resolbahin ng korte ang petisyon ni de Venecia kaugnay sa pagpapalabas ng TRO dahil sa “lack of jurisdiction.”

Anang legal counsel ni de Venecia, maaa­ring hindi nakita ng korte ang legal precedent na inihain nilang petisyon kaya’t ang order ni  Judge Lee sa “rate-fixing power” ng  NTC ay isang quasi-judicial.

Dahil dito, ang na­ging basehan umano ni Judge Lee sa fee-rate ay kapangyarihan ng lehislatura o ng administrative agency. 

“In a previous decision, the Supreme Court has made it clear that jurisdiction falls within the court where the case was filed,” ani de Venecia. 

Sa naging desisyon ng SC sa kanilang en banc, ang administrative agencies tulad ng NTC ay may awtorisasyon na atasan ang telcos na sundin ang kanilang kautusan. 

Subalit matapos ang anim na buwan ay hindi pinansin ng telcos ang naturang kautusan. (Ricky Tulipat/Butch Quejada)

vuukle comment

ANANG

BUTCH QUEJADA

DAHIL

JUDGE LEE

JUDGE RALPH LEE

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RICKY TULIPAT

SUPREME COURT

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with