Isa pang EV-71 kinumpirma
MANILA, Philippines - Isa pang kaso ng enterovirus 71 (EV71) infection sa bansa ang kinumpirma ng Department of Health (DoH).
Ayon kay National Epidemiology Center head Dr. Eric Tayag, isang 5-taong gulang na batang lalaki mula sa Benguet ang ikalawang pasyente na nagpositibo sa nakamamatay na sakit. Agad namang nilinaw ng opisyal na nakaka-rekober na ang naturang pasyente at kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang bahay.
Unang kinumpirma ni Health Secretary Enrique Ona ang kauna-unahang kaso ng nasabing sakit sa Pilipinas, kung saan isang taong gulang na sanggol umano ang pasyente. Nakitaan ng mga rashes sa kamay, paa, bunganga at iba pang parte ng katawan ang pasyente. Gayunman, nakarekober din ang pasyente at ngayon ay nasa maayos ng kalusugan.
Ang Enterovirus 71 ang sinasabing nasa likod ng pagkamatay ng maraming bata sa Cambodia.
- Latest
- Trending