^

Bansa

College entrance exam libre na

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga mahihirap subalit matatalinong high school graduates mula sa public schools na makapag-entrance exam ng libre sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang pagbuo ng isang consolidated version ng House Bill 6262 ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara at House Bill 5186 ni Taguig Rep. Sigfrido Tinga.

Ang dalawang panu­kala ay parehong naglalayong malibre sa pagbabayad ng entrance exam ang karapat-dapat na nagsipagtapos sa high school.

Sa sandaling mapagtibay, kuwalipikado sa pribilehiyong ito ang mahihirap na high school graduates na kabilang sa 10 porsiyento ng pinakamatatalino sa graduating class.

Ayon kay Angara, nakakapanghinayang ang mga matatalino subalit hindi makapag-aral ng kolehiyo dahil kapos sa pananalapi.

Dahil umano sa ganitong sitwason, malaking porsiyento ng labor force ng bansa ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

ANGARA

AURORA REP

AYON

DAHIL

HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

JUAN EDGARDO ANGARA

SIGFRIDO TINGA

TAGUIG REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with