^

Bansa

Paghati sa Camsur pinalagan

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinalagan ni Sen. Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukalang mag­hahati sa probinsiya ng Camarines Sur sa ilalim ng House Bill 4820 dahil hindi naman ito kinakailangan.

“Legislating the division of a province when there is no compelling reason to do so is an unwise and risky move for us to take, and this will likely set a bad precedent for future lawmakers,” sabi ni Trillanes.

Si Trillanes ay mi­yembro ng Senate Committee on Local Government, ang pagbuo aniya ng panibagong probinsiya ay malaki lamang ang ibabawas sa Internal Re­venue Allotment (IRA) ng Camsur kaya hindi magi­ging maganda ang epekto nito sa mamamayan doon.

Ayon kay Trillanes, maari rin itong maging “bad precedence” para sa ibang malalaking probinsiya.

“If we divide CamSur now, what will stop other provinces, such as Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, from dividing their provinces? I suggest that we abandon this move and scrap the measure,” sabi ni Trillanes.

Ang panukalang batas ay ipinasa na sa ikatlong pagbasa at kasalukuyang nakabitin sa Committee on Local Government.

Samantala, kinontra at pinalagan ng Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry (CSCCI) sa pangunguna ni Engr. Solomon Ngo ang pagbiyak sa nasabing probinsiya.

Ipinaliwanag ng CSCCI na hindi magiging maganda ang takbo ng kalakalan sa Camarines Sur oras na ito ay mahati dahil liliit ang kanilang market.

Ayon pa sa CSCCI, kapag negosyo ang pinag-usapan, mas maganda kung mas malaki ang probinsiya dahil mas magiging progresibo ito.

“We do not divide a company if it is profitable and is doing well. This holds true in the case of a province. Hindi naman lugi ang probinsya and it is in fact doing well so we find absolutely no reason to divide it,” ayon kay Ngo.

Ang mga pagpalag at pagkontra nina Trillanes at Ngo laban sa planong paghati sa Camarines Sur ay inihayag sa kainitan ng bangayan sa pagitan ng Comelec at Budget department kaugnay ng malaking pagbawas sa pondo ng poll body mula P24 bilyon hanggang P8 bilyon na lang.

Sabi ni Rep. Sal Fortuno na kontra rin sa panukala, hindi makataru­ngan na gumastos pa ang Comelec ng P70 milyon para sa plebisito sa Camsur samantalang masyado ng kapos ang budget nito.

AYON

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

CAMSUR

COMELEC

HOUSE BILL

INTERNAL RE

LOCAL GOVERNMENT

NGO

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with