Lider ng Buddhist, dumating sa bansa
MANILA, Philippines - Dumating kahapon si His Holiness, Sakya Trizin, na kapareho ng Santo Papa ang katayuan sa Buddhist religion, upang magsagawa ng serye ng mga religious activities at charity works sa kanyang pananatili sa bansa.
Tinaguriang ‘Supreme Head of the Sakya lineage of Tibetan Buddhism’, si H.H. Trizin ay dumating lulan ng Philippine Airlines flight PR-897 sa NAIA Terminal 2 dakong alas-12:45 ng hapon, at siya ay sinalubong sa paliparan ng kanyang mga loyal followers na pinangunahan nina Manila third district Councilor Bernie Ang, Ana Sy, at nina Robert Go at Malou Chan ng Chong Fu Temple.
Ang 66-anyos na pinakamataas na Buddhist leader at ang kanyang mga kasamahan ay matagal nang bumibisita sa iba’t ibang bansa gaya ng America, Europe at India, upang ibahagi ang mga mahahalagang turo at nagdala din ng kaalaman ng Sakya treasures sa Latin America sa kauna-unahang pagkakataon.
Mananatili si H.H. Trizin sa bansa hanggang Agosto 9 di lamang upang palawigin ang paniniwalang Buddhism kundi upang pangunahan din ang serye ng mga religious activities at charitable works bukod sa pagbusog ng mga pangangailangang pang-kaluluwa.
Ngayon (July 31), siya ay nakatakdang magsagawa ng courtesy visit kay Manila Mayor Alfredo S. Lim sa City Hall gayundin kay Vice President Jejomar Binay.
- Latest
- Trending