^

Bansa

N. Luzon puntirya ni 'Gener'

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy na nagba­banta sa bahagi ng Northern Luzon ang bagyong Gener habang nanatiling nakalagay sa storm signal ang ilang lugar dito.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomi­cal Services Administration (Pagasa), alas-11 ng umaga kahapon ay namataan si Gener sa 310 km silangan hi­lagang-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas na 85 kph malapit sa gitna at bugsong hangin na 100 kph.

Nakalagay pa rin sa signal no. 2 ang Caga­yan, Calayan group of Islands at Babuyan Group of Islands, habang ang signal no. 1 ay nanatili sa Isabela, Kalinga, Apayao at Batanes Group of Islands.

Pinayuhan din ang mga residente na nasa ilalim ng public storm sig­nals na maging alerto, partikular sa mga ma­bababa at mabundok na lugar dahil sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha.

Ang mga naninirahan na nasa malapit sa baybaying dagat naman na nasa signal no. 2 ay inalerto laban sa posibleng paglaki ng alon na likha ng bagyo.

Hindi na rin pinapayagang maglayag ang mga bangkang pangisda at iba pang sasakyang pandagat sa may Central at Southern Luzon, Visayas at silangang baybaying dagat ng Min­danao dahil sa pinaghalong epekto ng bagyong Gener at habagat.

Ayon pa sa PAGASA, ang tinatayang dami ng ulan na babagsak ay nasa 10 hanggang 25 mm kada oras sa pagitan ng 600 km na diametro ng bagyo.

Inaasahan naman ang paglawak ng hanging habagat na magdadala ng ulan sa katimugang Luzon, Visayas at Min­danao, lalo na sa kanlurang bahagi.

Inaasahang nasa 260 km sa hilagang sila­ngan ng Aparri, Cagayan si Gener sa Lunes at 160 km sa hilaga-hilagang kanluran ng Basco, Batanes sa Martes; at 40 km sa Taiwan sa Miyerkules.

AYON

BABUYAN GROUP OF ISLANDS

BATANES GROUP OF ISLANDS

GENER

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMI

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE AT

SERVICES ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with