^

Bansa

Gabi ng parangal kay Nixon Kua

- The Philippine Star

Manila, Philippines - Iniimbitahan ni National Press Club (NPC) pre­sident Benny Antiporda ang lahat ng opisyal, mga miyembro ng NPC at iba pang mga kasapi ng media para sa isang ‘’Gabi ng Parangal’ para kay Nixon Kua, 49, isang beteranong reporter at kolumnista ng Star Group of Publications.

“Ang parangal para kay Nixon ay simpleng pagkilala ng NPC sa kanyang ipinakitang katapatan sa ating samahan at kababaang-loob sa kabila ng mga biyaya at tagumpay na kanyang natamo noong siya ay nabubuhay pa,” ani Antiporda.

“Tunay na ehemplo si Nixon bilang isang mamamahayag -- hindi siya ‘nalasing sa kapangyarihan’ at nanatiling tapat sa mga adhikain ng NPC na nakasaad sa ating Code of Ethics,” dagdag pa ni Antiporda.

Ang parangal kay Nixon ay gagawin ngayong Sa­bado ng gabi, 8:00pm, sa Room 312 ng Sanc­tuarium Chapel, Araneta Avenue, Quezon City.

Napatay si Nixon matapos barilin ng apat na armadong suspects na nagnakaw sa kanyang bahay sa Calamba City, Laguna, noong gabi ng Hulyo 21.

ANTIPORDA

ARANETA AVENUE

BENNY ANTIPORDA

CALAMBA CITY

CODE OF ETHICS

HULYO

NATIONAL PRESS CLUB

NIXON KUA

QUEZON CITY

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with