^

Bansa

Maayos na mining policy giit ng environmentalists

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling ng mga environmentalist kay Pa­ngulong Aquino na magsagawa ng maayos na polisiya sa pagmimina kung saan ang ipinapatupad ng pamahalaan sa kasalukuyan ay nakakasira sa natural na yaman ng bansa, sa halip na panatilihin ito.

Nanawagan din ang Kalikasan Peoples Network for the Environment (KPNE) sa Pangulo na papanagutin ang sinumang nagpahintulot sa walang humpay na illegal logging at pagmimina sa bansa.

“Instead of getting rid of a non-performing official, President Aquino is letting small employees at the DENR to pay the price,” sabi ni KPNE president Clemente Bautista Jr..

Ilang kawani ng DENR sa Mindanao ang inalis sa serbisyo matapos ang pagkakakumpiska sa mga iligal na troso ng mga awtoridad.

Giit ni Bautista, kung hindi maparusahan ng Pangulo ang nasa likod ng anomalya sa DENR, magkaroon man lang sana ito ng maayos na polisia hingil sa pangangalaga sa kapaligiran.

Samantala, ayon naman sa ilang kritiko ni Paje, ang nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Aquino ay sapat na para magdesiyon si Environment and Natural Resources Sec. Ramon na umalis sa kanyang trabaho.

Sa kanyang SONA, pinapurihan ni Aquino si Butuan City Mayor Jun Amante dahil sa pagkakaroon nito ng political will para mahinto ang illegal logging sa kanyang lokalidad, habang hindi man lamang binigkas ng Pangulo ang pangalan ni Paje sa mahigit na isang oras nitong talumpati.

AQUINO

BAUTISTA

BUTUAN CITY MAYOR JUN AMANTE

CLEMENTE BAUTISTA JR.

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

KALIKASAN PEOPLES NETWORK

PAJE

PANGULO

PRESIDENT AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with