^

Bansa

Nominado sa CJ post inaresto ng NBI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng National Bureau of Investigation na inaresto nila kamakalawa ang isang nominado sa pagka-Punong  Mahistrado sa Korte Suprema sa Green Hills, San Juan City.

Ayon kay NBI Deputy Director Ruel Lasala, dakong alas-11:00 ng umaga ng isilbi ng NBI-Criminal Intelligence Division ang warrant of arrest kay Atty. Vicente Velasquez dahil sa kasong tax evasion kaugnay sa hindi nabayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue mula noong 1981 na nagkakahalaga ng P16,000.

Gayunman, agad ding nakapaglagak ng piyansang P5,000 si Velasquez at nabatid na umaapela naman ito sa pagkakadiskwalipika sa kaniya ng Judicial and Bar Council, na aniya ay hindi niya nakita ang sinasabing resolution for disqualification.

Ang disqualification ay bunga naman ng kabiguan ni Velasquez na makatugon sa documentary requirements  na kailangan para sa kanilang aplikasyon.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION

DEPUTY DIRECTOR RUEL LASALA

GREEN HILLS

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN JUAN CITY

VELASQUEZ

VICENTE VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with