^

Bansa

Phl handa vs China

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Handa ang Pilipinas na ipagtanggol ang kasarinlan nito mula sa mga mananakop, ayon kay Pangulong Aquino.

Sa ambush interview sa Pangulo na naging panauhin sa 114th anniversary ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City, sinabi nito na laging handa ang Pilipinas sa pagtatanggol sa soberenya nito mula sa sinumang mananakop sa abot ng limitasyon nito.

Ginawa ni Aquino ang reaksyon sa umano’y patuloy na panghihimasok ng Chinese fishing boats sa Pag-asa island na bahagi ng Spratly.

Nakiusap din ang chief executive sa lahat ng sektor na itigil na ang pagbibigay ng komento sa posibleng paglala ng sitwasyon sa West Phi­lippine Sea at ang posibilidad na umabot ito sa armed conflict dahil lalo lamang lalala ang sitwasyon.

Kinumpirma mismo ni Kalayaan Mayor Eu­genio Bitoon ang pagpasok ng mga Chinese fishing boats sa Pag-asa island.

Ayon kay Mayor Bito-onon, may 5 nautical kilometers lamang ang mga Chinese boats na naka-angkla mismo sa isla na pag-aari ng Pilipinas habang namataan din ng mga local fishermen ang isang Chinese navy boat kasama ang mga Chinese fishing vessels sa lugar.

AQUINO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KALAYAAN MAYOR EU

MAYOR BITO

PAG

PANGULONG AQUINO

PASAY CITY

PILIPINAS

WEST PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with