^

Bansa

CGMA arestuhin uli!

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakaka-isang ga­bing tulog pa lang si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City matapos pansa­mantalang makalaya sa pagka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center nitong Miyerkoles, muli naman itong ipinapaaresto ng Ombudsman.

Kahapon ay iginiit ng Ombudsman sa Sandi­ganbayan na magpalabas ito ng warrant of arrest laban kay CGMA dahil naman sa kasong plunder bunga ng uma­no’y illegal transfer ng pondo sa Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO).

Nagsampa kahapon ang mga prosecutors mula sa Ombudsman ng isang mosyon na humihiling sa korte na magpa­labas ng warrant of arrest laban sa dating pangulo.

Ayon kay Prosecutor Diosdado Calonge ng Ombudsman, ang ka­­song plunder ay isang non-bai­lable offense ka­yat dapat na maghigpit sa kalayaan ni CGMA.

Kaugnay nito, kinuwestyon ng abogado ni Mrs. Arroyo na si Atty. Christian Diaz na ang warrant of arrest ay wa­lang saysay sa ngayon.

Binigyang diin ni Diaz na hindi maa­aring makapagpalabas ng war­rant of arrest ang Sandiganbayan dahil hindi pa natatapos ang preliminary investigation (PI) ng Ombudsman hinggil sa kaso at may kara­ pa­tan si Mrs. Arroyo na kumpletuhin ang preli­minary investigation bago muling ipaaresto.

Anya, inaresto na si Mrs. Arroyo sa kasong electoral sabotage na nakasampa sa Pasay court bago pa ang preliminary investigation.

Si CGMA ay pansa­mantalang nakalaya mu­la sa Veterans hospital no­ong Miyerkoles matapos payagan ni Pa­say RTC Judge Jesus Mupas­ na maka­pagpiyansa ng P1 milyon sa kasong electoral sabotage.

Naglabas na rin ang Sandiganbayan ng hold departure order laban kay Arroyo kaugnay ng kaso nitong plunder sa PCSO.

CHRISTIAN DIAZ

GLORIA ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

LA VISTA

MIYERKOLES

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with