^

Bansa

Bagyong Gener, nagbabadya sa Mindanao

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makaraang umalis ang bagyong Ferdie, isa pang bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility sa Miyerkules makaraang mamataan ang isang bagong Low Pressure Area (LPA) na nagbabanta sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng PAGASA, ang LPA ay may malaking posibilidad na maging ganap na bagyo at tatawaging Gener.

Kahapon ng umaga, ang LPA ay namataan ng PAGASA sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Bunsod nito, patuloy na pinaiigting ng weather system ang epekto ng southwest monsoon o habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa Luzon, kasama na ang Metro Manila, Bicol Region, Mindoro, Marinduque at Northern Visayas, Boracay, Romblon at Calamian Group of Island.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda at maging alerto sa paligid upang makaiwas sa anumang epekto ng kalamidad na dumarating sa bansa.   

AYON

BICOL REGION

BORACAY

BUNSOD

CALAMIAN GROUP OF ISLAND

ELVIE ENRIQUEZ

LOW PRESSURE AREA

METRO MANILA

MINDANAO

NORTHERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with