^

Bansa

Mga iskul mangangalembang sa dagdag sahod ng teachers

Nina - Gemma Garcia/Butch Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bilang pagkalampag sa pamahalaan sa hirit na dagdag sahod para sa mga guro, sabay-sa­bay na patutunugin ang mga bell sa iba’t ibang eskuwelahan sa bansa ngayong araw ng Biyer­nes.

Tinawag ni Act teach- ­ er party list Rep. Antonio Tinio na “school bell ringing day for salary up­ grading” ang sabay-sabay  na pagpapatunog ng mga bell sa loob ng 11-minuto bilang simbolo ng matagal nang apela ng mga pampublikong guro na i-angat sa sala­ry grade 11 o P18,549 sa salary grade 15 o P24,887 ang kanilang buwanang sahod.

Ang panawagang taas-sahod ay naka­sa­ad sa House bills 2142 at 4523 samantalang naka-binbin din sa Kamara ang House bill 3746 na nag-dagdag ng P6,000 kada buwang sahod ng mga guro.

Ayon kay Tinio, maki­kibahagi sa mga aktibidad ang mga guro, principals at iba pang opisyal mula sa mga paaralan sa Quezon City, Manda­luyong, Pasig, Calo­o­can at Maynila gayun-­din sa mga lalawigan ng Pangasinan, Cebu, Ne­ g­­ros, Pa­ nay, Iloilo at Da­vao.

Giit ng mambabatas na ang mas malakas na tunog ay mas mainam umano upang marinig ni Pangulong Noynoy Aquino ang hinaing ng mga guro.

AYON

BILANG

BIYER

CALO

CEBU

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

SHY

TINIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with