MANILA, Philippines - Nakataas pa rin ang red tide alert sa limang lalawigan sa bansa dulot na mataas na kontaminasyon ng lason ng red tide sa mga baybayin nito.
Sa latest monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mataas ang level ng red tide toxin sa Dumanquilas bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Misamis Oriental gayundin sa coastal waters ng Milagros sa Masbate at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.
Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pag hango, pagkain at pagbebenta ng shellfish sa naturang mga lugar tulad ng tahong, talaba at halaan.
Maari namang kainin ang ibang lamang dagat tulad ng pusit, alimango at isda pero kailangang linising mabuti at alisin ang hasang ng isda.