^

Bansa

Aquino aprub sa mga barangay chairman

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umani ng suporta mula sa mga punong barangay ng siyudad ng Tanauan ang re-election bid ni incumbent Mayor Sonia Torres-Aquino.

Ibinigay ng mga barangay chairman ang suporta sa muling pagtakbo ni Mayor Aquino sa 2013 election dahil sa ipinamalas nitong maayos na pamumuno sa lungsod sa loob ng dalawang termino nito bilang alkalde.

Nagkaisa rin ang mga barangay chairman  na suportahan ang alkalde dahil sa magaganda nitong plano para sa lungsod kagaya ng pagkasa ng angkop na programang magiging solusyon sa problema sa trapiko at basura ng Tanauan City.

Sa panayam, sinabi ni Mayor Sonia na minsan na nilang napag-usa­pan ng mga miyembro ng sanggunian na handa siyang bumitiw bilang Mayor kung makakapagpasa ang mga ito ng ordinansa o panukalang batas na lulutas sa problema sa trapiko at basura na kanyang adbokasiya sa lungsod bago ito tuluyang bumaba sa puwesto.

Pero patapos na umano ang kanyang ikalawang termino ay wala pa ring mailatag na konkretong solusyon ang konseho sa kanyang kahilingan kaya’t nagdesisyon itong tanggapin ang kahilingan ng mga barangay chairman na muling tumakbong alkalde.

vuukle comment

IBINIGAY

MAYOR AQUINO

MAYOR SONIA

MAYOR SONIA TORRES-AQUINO

NAGKAISA

PERO

TANAUAN

TANAUAN CITY

UMANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with