Pinas kinampihan vs China
MANILA, Philippines - Tila nakahanap ng kakampi ang Pilipinas sa isyu ng South China Sea sa pagbisita ni Indonesian Foreign Minister Dr. Marty M. Natalegawa.
Nag-usap sina Natalegawa at Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario dahil sa hindi pagkakalabas ng karaniwang Joint Communique pagkatapos ng 45thASEAN Ministerial Meeting (AMM) sa Phnom Penh, Cambodia kamakailan.
Sinabi pa ni Natalegawa na, pagkagaling niya sa Pilipinas, magtutungo siya sa Vietnam, Cambodia, Singapore at Malaysia para kausapin ang mga katapat niya rito hinggil sa kanilang pananaw o paninindigan sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Umaasa siya na ang pagsisikap niyang ito ay magbubunga sa sama-samang pahayag ng Association of Southeast Asian Nations hinggil sa hidwaan sa South China Sea.
Ginawa ni Natalegawa ang pahayag bago siya sumakay sa eroplano patungong Hong Kong via Hanoi lulan ng Cathay Pacific flight Cx 906.
Pinuna niya na maaaring makasira sa ASEAN ang pagkabigo nitong magpalabas ng sama-samang pahayag hinggil sa usapin sa South China Sea.
Tatalo umano sa kabiguang ito ng ASEAN ang panukalang Code of Conduct on South China Sea sa hinaharap.
- Latest
- Trending