MANILA, Philippines - Nanawagan kay Pa-ngu long Aquino ang mga residente at grupo ng mga relihiyoso sa Caramoan, Camarines Sur na pakialaman na at aksiyunan ang umano’y talamak na illegal logging operations sa na-turang lugar.
Naaalarma ang ilang residente ng Caramoan da hil kung hindi umano masasawata ng DENR ang talamak na operasyon ng illegal logging ay magiging sanhi ito ng trahedya at pagbuwis ng maraming bu hay sa tuwing sasapit ang tag-ulan at ang higit na apektado ay ang mga mamamayan dito.
Napag-alaman na ang hindi makontrol na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit bumabaha ang ilang bahagi ng Bicol Region, na apektado ang daan-daang pamilya, naging sanhi rin nang pagkawasak ng mga daan, tulay, komunikas-yon at ilang infrastructure project ng pamahalaan.
Noong nakaraang linggo ay nasakote ng mga awtoridad ang toneladang mga kahoy sa nabanggit na lugar.
Isinisisi ng ilang residente at religious group sa DENR sa pamumuno ng hepe nito na si Secretary Ramon Paje ang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy sa kagubatan. Kung hindi umano kaya na buwagin ang sindikato ng illegal logging ay nanawagan ang mga ito na magbitiw na lamang ito sa tungkulin.