^

Bansa

Ads ng Tesda chief gastos ng supporters

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inamin ng mga sup­porters ni TESDA director-general Joel Villanueva na sila ang gumagastos sa mga tarpaulin at TV ad ni Villanueva at hindi government funds ang ginagamit dito.

Iginiit nina Ben Co, Be­njamin Quinonez at Mau­ ra de Leon na pawang supporters ni Villanueva, na galing sa kanilang bulsa ang ibinayad nila sa pagpapagawa nila ng tarpaulin ng TESDA chief dahil sa naniniwala sila sa liderato nito.

Sinabi nina Co at de Leon na walang masama sa ginagawa nilang pagsuporta kay Villanueva sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga tarpaulin upang makita ng taumbayan ang kagandahang nagagawa ng kalihim bi­ lang TESDA director-general.

Iginiit naman ni Dexter Lim na may-ari ng mga outdoor LED-TV ad­vertising, walang ibina-yad na anumang TESDA fund si Villanueva para sa kanyang outdoor advertisement para sa TESDA program na makikita sa CCP complex dahil boluntaryo niya itong ginawa dahil sa paniniwala niya sa mabuting pamamahala ng batang kalihim.

Anila, nakita nila kay Villanueva ang enerhiya at adhikain na malutas ang problema ng bansa sa kakulangan sa trabaho sa pamamagitan ng isinusulong nitong programa sa TESDA.

vuukle comment

ANILA

BEN CO

DEXTER LIM

IGINIIT

INAMIN

JOEL VILLANUEVA

QUINONEZ

SINABI

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with