De Lima magkaka-'dilemma' pag naging CJ
MANILA, Philippines - Mahaharap sa isang ‘dilemma’ si Justice Secretary Leila de Lima kung ito ang mapipiling bagong chief justice ng Surpreme Court.
Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi sinunod ni de Lima ang isang utos ng SC noong nakaupo pa si dating chief justice Renato Corona kaya posibleng malagay sa alanganin ang kalihim.
Inamin ni Santiago na tumaas ang kaniyang kilay ng tahasang suwayin ni de Lima ang temporary restraining order (TRO) ng SC kaugnay sa kahilingan ni dating Pangulong Gloria Arroyo noon na makalabas ng bansa.
Hindi aniya katanggap-tanggap ang naging paliwanag ni de Lima na hindi kaagad niya nakuha ang TRO na puwedeng maging rason para makuwestiyon ito.
Kung magiging chief justice si de Lima, magiging problema umano nito kung may susuway sa kaniyang ipalalabas na TRO dahil sa ginawa niyang pagsuway sa SC.
- Latest
- Trending