^

Bansa

Sunog sa Kamara

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pansamantalang na­an­tala ang trabaho sa Kamara ng biglang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng South Wing ng Batasan complex kung saan matatagpuan ang tanggapan ng ilang kongresista.

Ayon kay House Se­c­re­tary General Marilyn Barua-Yap,dakong alas-9 ng umaga biglang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag matapos na pagmulan ng sunog ang electrical ng elevator.

Dahil dito kayat ka­agad na naglabasan ng gusali ang mga emple­yado kasabay na rin ng pagputol ng power supply ng buong building.

Mabilis namang nakaresponde ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection at naapula ang apoy makalipas lang ang ilang minuto.

Kaagad namang ipinag-utos ni House Speker Feliciano Belmonte na mag-inspeksyon sa lahat ng electrical connection sa south wing upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

Paliwanag naman ni Yap, nangyayari ang po­wer tripping dahil na rin sa masyado nang luma ang mga electrical apparatus dito. (Gemma Garcia/Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BATASAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUTCH QUEJADA

GEMMA GARCIA

GENERAL MARILYN BARUA-YAP

HOUSE SE

HOUSE SPEKER FELICIANO BELMONTE

SHY

SOUTH WING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with