PSG nag-inspeksyon sa Batasan

MANILA, Philippines - Personal na ininspek­syon ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang loob at labas ng Batasan complex bilang paghahanda na rin sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang si­mulang mag-ikot ng mga miyembro ng PSG mula sa plenaryo ng Kamara at sa paligid nito upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng pangulo sa SONA nito sa Hulyo 23.

Ayon kay Oscar Curitana, supervisor ng House Legislative Security Bureau ng Kamara, inirereklamo umano ng PSG ang kawalan ng kaayusan noong nakaraang SONA kung saan nadumog ang pangulo dahil pinayagan umanong makapasok ang mga taga- media sa restricted areas.

Kabilang din sa mga ininspeksyon ng PSG ang parking area sa harap ng plenaryo at rear entrance kung saan dadaan ang pangulo papasok ng session hall.  

Show comments