^

Bansa

Masaganang ani tiniyak ng DA

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na gagamitin nilang hamon ang papuri sa kanila ni Pangulong Aquino para lalo pang magsikap upang makamit ang masaganang ani sa bansa. Iniutos ni DA Secretary Proceso Alcala sa lahat ng kanilang kawani na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan na trabaho na siyang nagbigay ng malaking pagbabago sa ahensya para sa kapakanan ng mga magsasaka sa bansa. Una dito ay sinabi ng Pangulo na ramdam na ramdam na ng mga magsasaka ang malaking kaibahan at pagbabago sa DA para sa kanilang kapakanan hindi tulad nung nakaraang administrasyon na puro maanomalyang kontrata ng pang-agrikultura ang kinasangkutan. Pinapurihan din ng Pangulo ang National Irrigation Administration (NIA) sa ilalim ni Administrator Antonio Nangel, dahil sa magagandang reporma sa mga irigasyon sa bansa. Ani Nangel, asahan na ng publiko ang mas maganda at kapaki-pakinabang na programa ng DA para sa mga magsasaka.

vuukle comment

ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

ANI NANGEL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INIUTOS

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PINAPURIHAN

SECRETARY PROCESO ALCALA

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with