^

Bansa

Pagsuspinde sa pagkakaloob ng Pantranco franchise kinondena

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kinondena ng mga militanteng manggagawa ang pagsuspinde ng gobyerno sa pagkakaloob ng prangkisa ng Pantranco sa ibang bus company kung saan ang bayad sa prangkisa ay kabayaran naman sa mga manggagawang naghahabol.

Ayon sa dating mga empleyado ng Pantranco North Express, Inc. kontrolado ng pamahalaan ang bus company noong 80’s kung saan ang paghahabol nila sa benta ng prangkisa nito ay mandamiyento ng desisyon ng National Labor Relations Commission pabor sa kanila.

Subalit noong isang linggo, sinuspinde ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas ang pagkakaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Pantranco franchises sa  pribadong buyer at kinuwestiyon ang legalidad ng hakbang. 

Ayon kay Elmer “Bong” Labog, Kilusang Mayo Uno (KMU) chairperson, ang franchises ay siya lamang natitirang asset ng Pantranco na tutupad sa 20 taon nang desisyon ng NLRC na bayaran ang mga manggagawa.

Umaabot sa 2,000 manggagawa ng Pantranco Employees’ Association (PEA) at Pantranco Retrenched Employees’ Association (PANREA) ang naghahabol dahil kulang umano ang kabayaran sa separation pay at ibang mga benepisyo ng manggagawa.

Karamihan umano sa dating workers ng Pantranco ay matanda na ang iba ay pumanaw na sa gitna ng pakikipaglaban para makamit ang hustisya.

AYON

KILUSANG MAYO UNO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

PANTRANCO

PANTRANCO EMPLOYEES

PANTRANCO NORTH EXPRESS

PANTRANCO RETRENCHED EMPLOYEES

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with