^

Bansa

LTFRB officials pinagbibitiw ni Roxas

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinamon ni DOTC Secretary Mar Roxas ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-resign sa lalong madaling panahon kung patuloy nilang igigiit na legal ang kanilang pagbuhay sa matagal nang expired na prangkisa ng Pantranco bus company.

Nauna rito, ipinatigil ni Roxas ang pagbenta ng 489 franchise ng Pantranco sa Luzon Cisco Transport, Bataan Transit, First North Luzon Bus Co. and Pangasinan Five Star at Victory Liner na pawang pag-aari ng pamilya Hernandez.

Ayon kay Roxas, paulit-ulit nang inamin ng LTFRB na patay na ang Pantranco franchise noon pang 1993 kaya hindi na ito puwedeng ilipat, ibenta o ipagamit sa ibang kompanya ng bus.

Tahasang sinabi ni Roxas na “Lazarus franchise” o matagal nang bangkay  ang Pantranco nang magpasya sina Board Members Manuel Iway at Samuel Garcia na ipagbili ito sa mga kompan­ya ng bus.

Si LTFRB Chairman Jaime Jacob naman ay hindi bumoto sa naturang desisyon subalit nagwagi ang majority votes.

Pinasalamatan naman ng mga nagreklamong GV Florida Lines, Dagupan Bus Lines, Saulog Transit, Partas at Baliwag Transit ang naging desisyon ni Roxas.

BALIWAG TRANSIT

BATAAN TRANSIT

BOARD MEMBERS MANUEL IWAY

CHAIRMAN JAIME JACOB

DAGUPAN BUS LINES

FIRST NORTH LUZON BUS CO

FLORIDA LINES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PANTRANCO

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with