MANILA, Philippines - Umalma kahapon ang China sa plano ng Pilipinas na pagpapadala ng mga spy plane na magmumula sa Estados Unidos upang magbantay sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, isang probokasyon ang nasabing hakbang ng Pilipinas matapos na tahasang sabihin ni Pangulong Aquino na hihingi na siya ng tulong sa US para sa posibilidad na paggamit ng US spy o surveillance plane upang magmanman o mag-monitor sa shoal o Bajo de Masinloc na kinilala ng China bilang Huangyan islands.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Liu Weimin, hindi nakakatulong sa kasalukuyang sitwasyon ang naturang komento ng Pangulo na nagiging daan ng probokasyon sa panig ng Pilipinas.
Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na ang planong pag-dedeploy ng US spy planes sa Bajo de Masinloc ay hindi provocative move o paghahamon laban sa China.