^

Bansa

China pumalag sa pag-deploy ng US spy plane sa Spratlys!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umalma kahapon ang China sa plano ng Pilipinas na pagpapadala ng mga spy plane na magmumula sa Estados Unidos upang magbantay sa pinag-aagawang Scarbo­rough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry, isang probokasyon ang nasabing hakbang ng Pilipinas matapos na tahasang sabihin ni Pangulong Aquino na hihingi na siya ng tulong sa US para sa posibilidad na paggamit ng US spy o surveillance plane upang magmanman o mag-monitor sa shoal o Bajo de Masinloc na kinilala ng China bilang Huangyan islands.

Sinabi ni Chinese Fo­reign Ministry spokesman Liu Weimin, hindi nakakatulong sa kasalukuyang sitwasyon ang naturang komento ng Pangulo na nagi­ging daan ng probokasyon sa panig ng Pilipinas.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na ang planong pag-dedeploy ng US spy planes sa Bajo de Masinloc ay hindi provo­cative move o paghahamon laban sa China.

AYON

BAJO

CHINESE FO

CHINESE FOREIGN MINISTRY

ESTADOS UNIDOS

LIU WEIMIN

MASINLOC

PANATAG SHOAL

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with