Banta ng CPP minaliit ng Palasyo
MANILA, Philippines - Minaliit ng Malacañang ang banta ng Communist Party of the Philippines (CPP) na magsasagawa ng kilos-protesta laban sa Aquino government dahil sa pagpayag nito na malayang makakilos sa bansa ang US forces partikular ang pagsasagawa ng paniniktik at paglulunsad ng mga kontra-guerilla na pagkilos.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang banta ng CPP na maglulunsad ng malawakang kilos-protesta laban sa gobyerno ay ‘lumang tugtugin’ na.
Wika pa ni Sec. Lacierda, malaya ang sinuman na maglunsad ng kilos-protesta dahil bahagi ito ng demokrasya subalit hindi dapat gumamit ng armadong pamamaraan.
“Lumang tugtugin na po ‘yan. Hayaan n’yo pong… Kung gusto ninyong mag-kilos protesta it’s your right but lumang tugtugin na po ‘yon,” paliwanag pa ni Lacierda.
- Latest
- Trending