'Wage reform measure' ng DOLE sinuportahan

MANILA, Philippines - Suportado ni Valenzuela City Mayor Sherwin T. Gatchalian ang wage reform measure ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inilarawan nitong pabor sa kapakanan at interes ng publiko.

Epektibo nung Hulyo 1, ipinatupad ang “two-tiered” wage system sa bus drivers at konduktor sa National Capital Region na ang layunin ay iangat ang buhay ng mga ito.

Sinabi ni Mayor Gatchalian, tinaguriang champion sa consumer and labor rights, na ang bagong compensation scheme ay magdudulot ng tamang pagkilala sa mga manggagawa bukod pa sa maiaangat ang working conditions at ang road safety.

“It’s a win-win solution. Matutulungan nito ang mga kababayan nating bus drivers at conductors para maiangat ang kanilang kabuhayan at higit sa lahat napoprotektahan nito ang kaligtasan ng mga pasahero,” saad ni Gatchalian.

Samantala, hinikayat din ng 2011 TOYM awardee for public service ang labor department na tiyaking naipapatupad ng maayos ang bagong wage system.  

Show comments