^

Bansa

Pinoy na dinukot sa Kenya, nailigtas na

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na rescue operation ng Kenyan authorities, nasagip na kahapon ang isang Pinoy aid worker at tatlo pa nitong kasamahan na dinukot ng mga armadong lalaki na umatake sa Dadaab refugee camp sa Kenya malapit sa border ng Somalia.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, kinumpirma kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ni Ambassador Domingo Lucenario ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na nasa ligtas nang kalagayan ang Pinoy na si Glenn Costes, nagtatrabaho bilang aid worker ng Norwegian Refugee Council (NRC) at tatlo pang kasamahan na Canadian, Norweigian at Pakistani national matapos na kidnapin noong Biyernes habang lulan ng isang sasakyan sa nasabing camp. 

Patay naman ang ka­nilang driver matapos na pagbabarilin ng mga umatakeng abductors.

Sinabi ni Hernandez, dakong ala-1:40 ng hapon kahapon nang ipabatid ng Kenyan authorities kay Lucenario na nailigtas na nila si Costes at tatlo pang dayuhang dinukot matapos ang pagtugis sa mga abductors sa Kenya-Somalia border.

Patungo na ang na-rescue na Pinoy sa Nairobi at pagdating doon ay makikipagkita kay Ambassador Lucenario na siyang magbibigay ng kaukulang tulong sa kanya.  

AMBASSADOR DOMINGO LUCENARIO

AMBASSADOR LUCENARIO

AYON

BIYERNES

DADAAB

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

GLENN COSTES

NORWEGIAN REFUGEE COUNCIL

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with