Customs official pinababalik sa puwesto
MANILA, Philippines - Namemeligrong masibak sa puwesto ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) matapos ipag-utos ng Civil Service Commission (CSC) na ibalik sa trabaho ang da-ting may hawak ng kanyang kasalukuyang posisyon.
Sa resolusyon ng CSC, iginiit na illegal ang pagkakatanggal kay Reynaldo S. Nicolas, dating Deputy Commissioner na nakatalaga bilang hepe ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) ng Customs.
Sabi ng CSC, dapat ma ibalik sa kanyang dating posisyon si Nicolas na ka salukuyang hawak ni Prudencio M. Reyes, Jr. na hindi na kailangan ng panibagong appointment.
Inutusan ng CSC ang BOC na ipatupad ang decision nito noong August 15, 2011 na nagbabalik kay Nicolas sa kanyang posisyon. Pinababayaran din ang kanyang back salaries at iba pang benepisyo mula sa araw na siya ay sinibak hanggang sa kanyang actual reinstatement.
Ayon sa CSC, kwalipikado si Nicolas at mayroon itong security of tenure kung saan matatanggal lamang sa posisyon kung mayroong legal na batayan.
- Latest
- Trending