^

Bansa

Tabako babagsak dahil sa 708% tax hike!

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Posible umanong bu­magsak ang bentahan ng tabako ng 50% at mamamayagpag naman ang black market ng sigarilyo bunsod ng planong 708% na pagtaas ng buwis nito.

Ayon kay Blake Dy, vice president ng Associated Anglo American Tobacco Corporation (AAATC), tiyak umano na dudumugin ng mga illegal, smuggled at counterfeit na sigarilyo ang ating merkado kapag naipa­tupad na ang pagpapataw ng napakataas na buwis dahil sa mas mura nitong presyo kumpara sa mga legal na sigarilyo.

Sinabi ni Dy na ang worst case scenario ng lehitimong sigarilyo ay babagsak ng 50%, at ang best scenario sa pagbaba sa merkado ay 26%. Ngunit, ang mawawalang 50% ay papalitan naman ng smuggled at pekeng sigarilyo.

Ang kumpanya ni Dy ang siyang gumagawa ng mga low-priced brands na sigarilyo. Ayon sa kanya, magsasara ang kanyang kumpanya kapag ipapataw ang 708% na taas sa buwis na ngayon lamang ito mangyayari kung saka-sakali sa buong mundo.

“Why do we keep on thinking that this bill will be good for the farmers? Why aren’t we thinking about the worst effects of this tax hike,” banat ni Dy.

Ayon kay Dy, ang pagpataw ng sobrang taas na buwis ay hindi magdudulot ng pagbabawas sa consumption dahil ang mga users ay maghahanap lamang ng mas murang produkto.

“ Manufacturers of fake cigarettes are just waiting for this excessive tax hike to be able to have their machines get going again. Aside from its illegality, nobody would know what is inside that fake, smuggled or counterfeit stick contains. Are we sure about the contents of these products? Is that what you call being health conscious?,” punto ni Dy.

Aabot sa 42,000 tobacco farmers ang mawawalan ng kabuhayan sa 50% na pagbasak ng merkado dahil sa napipintong pagpasa ng panukalang ito. Inihayag ni Dy na wala pang ibang bansa sa buong mundo ang nagdagdag ng 700% na buwis sa sigarilyo lamang.

Hindi raw solusyon ang pagpataw ng labis-labis na buwis sa sigarilyo upang tupukin ang tumataas na bilang ng mga naninigarilyo at mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan.

AABOT

ASSOCIATED ANGLO AMERICAN TOBACCO CORPORATION

AYON

BLAKE DY

BUWIS

INIHAYAG

NGUNIT

POSIBLE

SIGARILYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with