Prosec, asst. kulong sa bribery
MANILA, Philippines - Guilty ang hatol ng Sandiganbayan Fifth Division sa provincial prosecutor at kanyang assistant na sinampahan ng kasong direct bribery matapos umanong humingi ng pera sa hepe ng pulisya kapalit ng pagbasura sa kanyang kaso.
Hinatulang makulong ng hanggang limang taon si Alfredo Barcelona, Jr., provincial prosecutor ng Sarangani province at Violeto Novio, kanyang personal assistant. Sila ay pinagmumulta rin ng P15,000.
Sa rekord ng korte, humingi umano ng P5,000 ang mga akusado kay Ludivico Ripdos, hepe ng Glan, Sarangani province, na nahaharap sa kasong kriminal.
Sa entrapment operations noong Hulyo 26, 2004 ay nahuli si Novio ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation. Narekober sa kanya ang marked money.
Nagbigay naman ng sworn statement si Novio at sinabi nito na inutusan siya ni Barcelona na kunin ang pera.
Itinanggi naman ni Barcelona ang paratang at sinabi na ang ipinakukuha niya kay Ripdos ay mga rekord ng kaso at hindi pera.
“(The Court found) no credible reason why Novio (a personal friend of Barcelona), a person without authority and who was not even employed in the Provincial Prosecutor’s Office, was ordered by Barcelona to get [the] records from Ripdos’ office.”
- Latest
- Trending