^

Bansa

28 Chinese ships bumalik sa Scarborough

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Taliwas sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umalis na ang lahat ng barko ng China sa loob ng lagoon, may 28 Chinese ships ang naispatan ng Philippine Navy na umiikot sa Scarborough shoal. 

Sa isinagawang aerial surveillance ng PN nitong Lunes, mula sa 28 Chinese vessels na nasa shoal, 23 dito ang nasa loob ng lagoon kabilang ang 17 maliliit na bangka. Nasa palibot naman ng shoal o nasa labas ng lagoon ang tatlo pang Chinese maritime surveillance vessels  (CMS) at dalawang fishery and law enforcement command ships.

“The Chinese boats have obviously returned,” ayon sa DFA.

Una nang sinabi ng Chinese Foreign Ministry na wala silang planong mag-pullout sa Huangyan islands o Panatag Shoal at iginiit na sakop ng kanilang teritoryo ang nasabing lugar.

Umalis lamang umano ang kanilang mga barko upang sumilong pansa­mantala dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Sinabi ng pamahalaan na handa na silang magpadala ng panibagong barko upang magbantay sa Bajo de Masinloc na sakop ng Pilipinas sa pagbabalik ng mga Chinese ships. (Ellen Fernando/Joy Cantos)

BAJO

CHINESE

CHINESE FOREIGN MINISTRY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

HUANGYAN

JOY CANTOS

MASINLOC

PANATAG SHOAL

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with