^

Bansa

Red tide sa Masbate, kinumpirma

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na positibo na rin sa red tide toxin ang coastal waters ng Milagros, Masbate.

Ito’y batay na rin sa Shellfish Bulletin No.15 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipinadala sa DOH.

Dahil dito ay binabalaan ang publiko na huwag munang manghuli, magbenta at kumain ng mga shellfish na magmumula sa nasabing lugar dahil ito’y makakasama sa kalusugan at maaaring ikamatay.

Bukod sa Milagros, Masbate, nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Matarinao Bay sa Eastern Samar, at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.

Una nang idineklara ng BFAR na ligtas na sa red tide ang coastal waters sa Bataan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.  

BALITE BAY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF HEALTH

DUMANQUILLAS BAY

EASTERN SAMAR

MASBATE

MATARINAO BAY

MILAGROS

MISAMIS OCCIDENTAL

MURCIELAGOS BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with