^

Bansa

Baywalk pinaliwanag, ligtas pasyalan - Lim

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Ma­ yor Alfredo Lim na magiging ligtas na ang pa­mamasyal ng publiko sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Blvd. matapos na ilagay ang bagong teknolohiya sa pagpapailaw sa lungsod.

Ayon kay Lim, malawak ang sakop ng ilaw na inilagay sa kabahaan ng Baywalk na mula sa Manila Yacht Club hanggang sa US Embassy kung saan tatagal ang warranty ng ilaw mula pito hanggang 10 taon.

Kasama ni Lim sina city electrician Engr. Er­nes­to Cuyugan, city en­ gi­neer Armand Andres, Incheon Metropolitan City international adviser Rev. Dr. Jeon Dae Gu,  Easy Led Corp., Philippines president Youn Man Young at vice president David Park at ilang city officials sa pangunguna ni chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman.

Sinabi ni Lim, na hin­di na matatakot pa ang mga namamasyal na magtagal sa lugar at ta­nawin ang paglubog ng araw at mag­ kuwentuhan sa tabing dagat dahil bukod sa maliwanag na lugar, may mga pulis din na mula MPD Station 5 at Station 9 ang magbabantay sa lugar .

Bukod dito, malaki din ang matitipid ng city go­vernment sa bayarin sa kuryente, dahil matipid lamang ang LED lights na ginagamit na rin sa ibang bansa tulad ng California, Chicago at New York, sa US.

Nabatid na susunod na ilalagay ang  LED lights sa Ramon Magsaysay Boulevard, Tayuman, C.M. Recto Avenue, A. Mabini, Juan Luna at M.H. Del Pilar.

ALFREDO LIM

ARMAND ANDRES

BAYWALK

DAVID PARK

DR. JEON DAE GU

EASY LED CORP

INCHEON METROPOLITAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with