^

Bansa

Pagbawi sa 'Ban God bill' ikinatuwa ng Simbahan

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagalak ang Simbahang Katoliko sa pagbawi ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa inihaing House Bill 6330, na tinaguriang Ban God bill.

Ayon kay dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dapat lamang na iurong ang naturang panukala dahil hindi dapat na i-ban ang Panginoon sa alinmang lugar.

“Salamat naman! Kasi naman “copy cut” lang yan sa America. Isang mapanlinlang na panukalang batas. Kasi nga religious freedom daw ngunit nagbabawal ng expressions of religious beliefs,” pahayag naman ni incoming San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, sa text message nito sa Radio Veritas.

Pinayuhan naman ni Antipolo Auxiliary Bishop Francis de Leon si Palatino na umisip ng mabuting batas na magiging kapaki-pakinabang para sa mga kabataan. 

Nauna rito, umani ng batikos hindi lamang sa mga Catholic bishop kundi maging sa kaniyang mga kapwa mambabatas at iba pang sector ng lipunan si Palatino dahil sa kaniyang kontrobersiyal na panukala.

Alinsunod sa Ban God bill, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdi-display ng mga religious images at pagdaraos ng religious ceremonies sa mga tanggapan ng gobyerno.

vuukle comment

ANTIPOLO AUXILIARY BISHOP FRANCIS

BAN GOD

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

HOUSE BILL

JARO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

KABATAAN PARTYLIST REP

KASI

PALATINO

RADIO VERITAS

RAYMOND PALATINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with