^

Bansa

4 Pinoy minaltrato ng ship captain

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat na mangingisdang Pinoy na umano’y minaltrato ng kanilang kapitan sa barko ang nasagip at nakauwi na kahapon mula sa Sri Lanka.

Kinilla ang apat na sina Roger Rayos; Wilson Briones; Bryan Mapaye at Marvin Latagan na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Thai Airways flight TG 620 dakong alas-11:55 ng umaga. 

Inabandona ng mga Pinoy fishermen ang kanilang sinasakyang barko sa Colombo matapos na dumanas umano ng matinding pagmamaltrato ng kanilang ship captain dahil sa sobrang oras ng pagtatrabaho at halos wala na umano silang tulog. Dalawang beses lamang din umano sila bigyan ng pagkain kada araw.

Sa kanilang salaysay, noong Mayo 4 ay umalis sila sa Pilipinas at sumampa sa barko ng Bintang Timur na pag-aari ng Malaysian based-company sa Phuket, Thailand ng kasunod na araw.

Dahil sa pagtulong sa apat na Pinoy, pinasalamatan ni Phl Ambassador to Bangladesh Bahnarim Guinomla na siyang may sakop din sa Sri Lanka si Consul General Perera na siyang tumutok na masagip ang apat hanggang sa mapauwi sa bansa.  

vuukle comment

BANGLADESH BAHNARIM GUINOMLA

BINTANG TIMUR

BRYAN MAPAYE

CONSUL GENERAL PERERA

MARVIN LATAGAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHL AMBASSADOR

PINOY

ROGER RAYOS

SRI LANKA

THAI AIRWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with