Komedyanteng si Beverly Salviejo bumilib sa ASOP music fest ng UNTV

MANILA, Philippines - “Nahirapan ako sa pagiging hurado dito sa ASOP kasi ang gaganda lahat ng song entry” pagtatapat ng sikat na komed­yante at soprano singer na si Beverly Salviejo, na makakasama ng mga beteranong kompositor na sina Nonoy Tan at Mon del Rosario sa monthly finals ngayong linggo.

Ang mga maglalaban na song entry ay “Hesus Gamitin Mo Ang Buhay Ko” ni Rolf Pineda, “Ang Awa Mo” ni Bernabe Escudero and “Be My Everything” ni Jessa Mae Gabon. Ang mga interpreters naman ayon sa pagkakasunod ng awit ay sina Mike Chan (‘Sabado Boys’), Jan Nieto (Philippine Idol), and Charity Grace Walthrop (Repertory Philippines). 

Tatlong papuring awitin na lang ang hinahanap para makumpleto na ang line-up sa nakatakdang grandfinals ng ASOP ngayong Setyembre.

Mapapanood ang naturang monthly finals sa UNTV 37 ngayong Linggo, ika-24 ng Hunyo mula alas-7:00 hanggang alas-8:30 ng gabi. Hosted by Richard Reynoso at Toni Rose Gayda. 

Show comments