^

Bansa

TRO hingi ng coop partylist

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling kamakailan ng isang party-list orga­nization na kumakatawan sa sektor ng koo­peratiba ang pagpapalabas ng isang temporary restraining order (TRO) laban sa ilang indibidwal dahil sa di-umano’y kanilang patuloy na pagpapakilala bilang mga opisyal ng samahan.

Sa isang mosyon na inihain ng Ating Koop partylist sa Quezon City regional trial court (RTC) Branch 90, kinilala ni A­ting Koop partylist president Rafael Puentespina ang mga indibidwal na sina Amparo Rimas, Rito Fabella, Aurelio Jose, Jr., Jose Torres, Jr., Lancelot Padla, Romeo Candazo, Erlinda Duque, Mona Benosa, Roberto Mascarina, Geronimo Zapata, Rey Dennis Gilbas, Cristina Salvosa, Francisco Pineda, Jr., at Eden Sarne.

Naghain naman ng “manifestation” sa kor­te ang mga naturang indibidwal na humihi­nging ipawalang bisa ang kahilingan ng Ating-Koop partylist dahil sa isang probisyon na tumutukoy sa mga alituntunin hinggil sa “intra-corporate  controversy on nuisance on prohibited cases”.

Dahil sa manipestasyon, binigyan ng korte ang dalawang partido ng takdang panahon upang maghain ng kanilang mga posisyon.

Nagsimula ang legal na alitan ng dalawang grupo ng mabuo ang isang faction sa Ating Koop partylist na kumukwestyon sa pagiging lehitimo ng kasalukuyang opisyales ng partido kabilang na si Cong. Isidro Lico na siyang kinatawan ng partido sa Kongreso.

Pinanindigan naman ng Ating Koop na ang mga kasalukuyang pinuno, lalo na ng “central committee” ay nahalal ng ayon sa alituntunin at konstitusyon ng partido.

AMPARO RIMAS

ATING KOOP

AURELIO JOSE

CRISTINA SALVOSA

EDEN SARNE

ERLINDA DUQUE

FRANCISCO PINEDA

GERONIMO ZAPATA

ISIDRO LICO

JOSE TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with