^

Bansa

BOC alerto vs gatas ng China

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inalerto kahapon ng Bureau of Customs (BoC) ang lahat ng pantalan sa buong bansa laban sa napapabalitang pagpasok ng mga produktong kontaminado ng Mercury na nagmumula umano sa China.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Bia­zon na wala pa naman silang natatanggap na re­port hinggil sa mga produktong may Mercury content na pumapasok sa mga pantalan. Pinawi rin nito ang pangamba ng publiko kasabay ng paalala na maging mapanuri sa pamimili.

“Hindi po tayo magpa­pakampante kung sa­kali man na may mga ganyang balita at sisiguraduhin po namin na hindi makakapasok ang ganyang mga produkto,” ani Bia­zon.

Inatasan rin ng BoC commissioner ang kanyang mga tauhan na suriing mabuti ang lahat ng mga produktong pumapasok sa mga pantalan, partikular ang ibat-ibang uri ng gatas na nagmumula sa ibang bansa.

Katuwang ng BoC ang Food and Drug Adminis­tration (FDA) na magsasagawa ng mahigpit na pagbabantay sa mga milk product na papasok sa Pilipinas upang kaagad ma­laman kung ito ay kontaminado ng Mercury.

Binalaan din nito ang sinumang negosyante o broker na mahuhulihang nagpapasok ng mga pro­duktong may Mercury con­tent na sasampahan ng mga kaukulang kaso.

Una nang tiniyak ng FDA na wala pang Quanyou Milk na ibinebenta sa bansa. Ni-recall ng China ang nasabing pro­dukto ng Inner Mongolia Yili Industrial Group nang mabatid nila na kon­taminado ng nakalalasong kemikal ang gatas.

Lumilitaw na kapag nainom o nakain ang na­sa­bing kemikal ay maa­aring maging sanhi ito ng problema sa pani­ngin, pan­ dinig, insom­nia, ma­ba­­gal na develop­ment ng bata at pagkaparalisa. (Butch Quejada/Doris Borja)

BIA

BINALAAN

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

DORIS BORJA

DRUG ADMINIS

INNER MONGOLIA YILI INDUSTRIAL GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with