^

Bansa

Palasyo ipinaubaya sa CCP, NCCA ang award kay Dolphy

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinaubaya ng Mala­ca­ñang sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission on Culture and Arts (NCCA) ang pagga­gawad ng National Artist award sa Comedy King na si Dolphy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cier­da na bagama’t naniniwala si Pangulong Aquino sa naging kontribusyon ni Dolphy ay mayroon uma­nong pro­seso para sa pagpili ng national artist.

Wika ni Lacierda, may umiiral na Temporary Res­training Order (TRO) mula sa Korte Su­prema kaugnay sa pagkuwes­tyon sa pagi­ging national artist ni movie director Carlo Caparas.

Aniya, batid ng Pa­lasyo na maraming sulat na dumagsa noon pa sa CCP at NCCA na nagrerekomenda kay Dolphy upang kilalalanin bilang national artist ang comedy king. Ang CCP at NCCA ang siyang na­mamahala sa pagsala sa national artist na irerekomenda sa Pangulo.

Sabi pa ni Lacierda, masyadong mahigpit ang ginagawang pagpili ng national artist at mayroon itong proseso na dapat pagdaaan at ito ay iginagalang ng Pangulo.

Magugunita na unang­ binigyan ng presidential award ni Pangulong Aquino si Dolphy na Grand Collar of the Order of the Golden Heart noong Nov. 2010.

Umapela na rin ang Malacañang sa publiko na ipagdasal ang reco­very ni Dolphy na naki­ki­paglaban sa kanyang maselang kondis­yon sa Makati Medical Center.

Pinasalamatan naman ng pamilya Quizon ang Pangulo sa pangu­nguna at paghikayat sa sam­ba­yanang Pilipino upang mag-alay ng pa­­na­langin para sa kanilang ama.

CARLO CAPARAS

COMEDY KING

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

CULTURE AND ARTS

DOLPHY

GRAND COLLAR OF THE ORDER OF THE GOLDEN HEART

KORTE SU

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with